Salamat Sa Paanyaya

Panginoon, salamat po sa inyong paanyaya
sa pagkakataong makausap ka at marinig
sa panahon ng maraming mga pagaalinlangan

Pinalalakas mong maigting ang aking damdamin
upang magsikap, magpursige at maging mapagpahalaga
sa kahit mga mumunting bagay na mayroon ako
at kung ano man ang maipagkaloob

Salamat sa pagpapaalala sa pagmamahal ng aming mga magulang
ang mataimtim nilang pagngungulila at pagiging matatag
sa kabila ng aming pagkakawalay
sa pagpapahalaga ng ibang tao sa aming mga munting gawain
sa pagtitiwalang kami ay lubos na mabuti
bilang magkakapatid sa paniniwala

Patnubayan mo po kami sa paglawig muli ng linggo
gawing mo po kaming matibay at mapagkumbaba
ang pagyamanin at paginamin ang iyong pagibig sa ngalan ni Hesus
Aba ginoong Maria, ipanalangin mo po kami

5 months ago